Sinusuri pang mabuti ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang report na nakapasok sa Pilipinas ang mga terorista mula sa Turkey.
Sa kabila ito ng kumpirmasyon ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa na namonitor nila ang mga terorista mula sa Turkey dito sa Pilipinas.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, Spokesman ng AFP, hindi nila inaalis na ang may kinalaman sa pulitika ang ibinunyag ni Turkish Ambassador to the Philippines Esra Cankorur na nasa Pilipinas ang Fethullah Gulen Movement.
Ang Fethullah Gulen Movement ay isang grupong inaakusahang terorista ng Turkish government matapos silang magtakang maglunsad ng kudeta.
“Pero ang binanggit niya ay mga establisyimento at eskwelahan na nagtayo dito bilang kawang-gawa kung ito’y nag-front bilang terorrist organmization, yan ang susuriin natin, pero posibleng pinag-ugatan nito ay political faction na nangyayari ngayon diyan sa Turkey.” Pahayag ni Padilla
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
Presensya ng Turkish terrorists sa bansa sinusuring mabuti ng AFP was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882