Nanindigan si US Ambassador to Manila Sung Kim na hindi iaatras ang presensya ng US Army sa South China Sea at palalakasin lalo ang military cooperation ng Washington at Maynila.
Iginiit ni Kim ang kahalagahan ng South China Sea para sa Amerika dahil siniseryoso nito ang sitwasyon ngayon sa nasabing teritoryo kahit hindi sila claimant.
Patuloy aniyang magsusumikap ang Amerika na ma protektahan ang freedom of navigation at freedom of overflight sa teritoryo na mahalaga hindi lamang sa Pacific Region kundi maging sa international community.
Magugunitang iginigiit ng China na pagmamay ari nila ang halos kabuuan ng South China Sea.
Tiniyak muli ni Kim na nasa likod ng Pilipinas ang Estados Unidos sakaling magkaruon ng tensyon sa pinag-aagawang teritoryo.