Iniimbestigahan na ng PCOO o Presidential Communications Operations Office ang presensya umano sa casino ni Assistant Secretary Mocha Uson.
Ipinabatid ito ni PCOO Secretary Martin Andanar matapos lumabas sa social media ang video ng performance ni Uson kasama ang girl group nitong Mocha Girls sa Resorts World Manila.
Nakasaad sa memorandum circular na ipinalabas ng Malakanyang noong Setyembre 20, 2016 ang paalala sa government officials at employees na bawal magtungo sa mga casino.
Wala pa namang sagot si Mocha sa kaniyang social media account hinggil sa naturang report.