Kinumpirma ng militar ang presensya sa Sulu ni Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari.
Ayon kay Brig. Gen. Alan Arrojado, commander ng 501st Brigade, tinatayang 2,000 MNLF member at supporter mula sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao ang pinulong ni Misuari sa barangay Kagay, sa bayan ng Indanan.
Ito, anya, ay bilang preparasyon para sa tripartite meeting ng organization of Islamic cooperation sa Jeddah, Saudi Arabia sa January 25 hanggang 27.
Gayunman, walang nagtangkang umaresto kay Misuari na nahaharap sa kaso dahil sa 2013 Zamboanga siege.
Nilinaw ni Arrojado na hindi nila trabaho ang pagsisilbi ng warrant of arrest dahil mandato ito ng Philippine National Police (PNP).
By Drew Nacino