Inihayag ng SM Foundation Inc. na gaganapin sa October 22, 2022 ang pagpapakilala sa SM scholar graduates.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni SMFI Executive Director for Education Programs Ms. Linda Atayde na ito ay para bigyang papuri ang pagsisikap at sakripisyo ng mga estudyante na nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.
So every year mayroon kaming annual celebration ng mga graduates na nakapagtapos na sa iba’t ibang eskuwelahan…nationwide ‘yan. Pine-present naming sila sa SM sa mga various benefactors…saka kasama ‘yung mga magulang nila sa event na ‘yan para makapagpasalamat sa mga benefactor ng personal. Ito ‘yung last phase ng scholarship nila…ito ‘yung presentation of graduates.
Ibinahagi naman ni Dr. Teresita Pastor Medado, pangulo ng Asia Pacific College o APC ang partisipasyon nito bilang partner school ng SMFI sa pagpapalago at pagtuturo sa mga mag-aaral.
Palagay ko ang pinaka-partisipasyon ng Asia Pacific College hindi lang sa pagpapalago…mabigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng trabaho na mahirap makamtan actually ibang klase ang mga trabaho nila ngayon. Palagay ko naman nakatulong din kami sa foundation parang kumbaga lagi nila kami tinatanong kung paano pa naming mapapaganda ang mga programa. Nagpapasalamat kami sa SM Foundation…kung hindi dahil sa kanila ‘yung lahat ng 216 na ito ay hindi makaka-graduate, ‘yun ang totoo
Ang pahayag nina SMFI Executive Director for Education Programs Ms. Linda Atayde at Dr. Teresita Pastor Medado, pangulo ng Asia Pacific College, sa panayam ng DWIZ