Nagpaabot ng pakikiramay si President Rodrigo Duterte sa bansang Turkey.
Ito ay kaugnay sa nangyaring suicide bombing sa paliparan ng Istanbul kung saan nasa mahigit 30 ang patay at mahigit 140 ang sugatan.
Sa inaugural speech ng Pangulong Duterte, sinabi nitong ikinalulungkot niya ang naturang masaklap na pangyayari.
By Ralph Obina