Nagtakda si Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang ngayong alas-5:00 ng hapon para magpaliwanag ang CPP-NPA-NDF sa ginawang pananambang sa isang grupo ng CAFGU sa Davao del Norte.
Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza na hinihintay ng Pangulong Duterte ang paliwanag ng kampo ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison kung bakit nagkaroon ng pananambang, sa kabila ng umiiral na ceasefire.
Ikinagalit at ikinadismaya ng Pangulo ang naging aksyon ng NPA dahil hindi iginalang ang ipinairal na tigil-putukan.
Bunsod dito, namemeligrong mabawi ang ipinairal na ceasefire sa CPP-NPA-NDF kapag nabigong magpaliwanag ang mga ito.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)