Humiling sa taumbayan ng mataimtim na pagdarasal si president elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Marcos, ito ay para magampanan ang kaniyang tungkulin bilang bagong pangulo ng Pilipinas.
Sinabi ni Marcos sa taumbayan, na kaniyang gagawin ang responsibilidad na ibinigay sakaniya ng mga tagasuporta ng BBM-SARA uniteam.
Umaasa si Marcos na makikipagtulungan ang publiko sa bagong administrasyon upang mas mapaganda at mas maiayos pa ang bansa.
Nagpasalamat naman si Marcos sa lahat ng bumoto sakanila ni vice president elect Sara Duterte-Carpio at nangakong gagawin ang lahat ng kanilang makakaya para sa bayan.