Manunumpa na ngayong araw si incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa National Museum sa Maynila.
Si Chief Justice Alexander Gesmundo ang mangunguna sa panunumpa ni Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.
Habang si Senate President Vicente Sotto III ang magbabasa ng proklamasyon, ganap na 11:50 ng umaga o 10 minuto bago maluklok sa pwesto si PBBM.
Magiging simple at tradisyunal ang programa kung saan magdaraos ng 30 minutong military-civil parade na susundan ng inauguration song.
Ang Philippine National anthem ay aawitin ng aktres na si Toni Gonzaga.
Ipapatupad naman ang lockdown sa inagurasyon na magsisimula 10 ng umaga o bago ang pagdating ni Marcos.
Sa ngayon, plantsado na ang paghahanda ng buong hanay na Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang ahensiya ng gobyerno sa inagurasyon ni PBBM ngayong araw.