Iinihayag ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown na nangako si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Na makikipagtulungan sa simbahang katolika.
Ayon kay Brown, naging matiwasay ang kanilang pag-uusap ni Marcos at sinigurado aniya nito ang kaniyang intensiyon na tumulong sa simbahang katolika at makipag-unayan sa Holy See.
Mababatid na isa si Brown sa mga nag-courtesy call kay Marcos sa kanyang headquarters sa Mandaluyong City.