Inanunsiyo ni Franz Imperial, miyembro ng preparation committee ng inagurasyon ni President-Elect Ferdinand Marcos Jr., na hindi ito gagamit ng teleprompter para sa kanyang inaugural speech sa Huwebes.
Ayon kay Imperial, hindi sila lilihis sa tradisyonal na inagurasyon at mayroon na lamang na mga maliliit na detalye na pinaplantsa at nakahanda na ito.
Mababatid na mula noong 1992, ang tradisyonal na seremonya ay nagsisimula sa pagsundo ng president-elect sa outgoing president sa Malacañang sa umaga ng Hunyo 30 at sa state entrance ng palasyo ay maghihintay ang president-elect sa pagbaba sa hagdan ng outgoing president.
Sasakay ang mga ito sa presidential car at pupunta sa Quirino Grandstand, ngunit ngayong taon ay gagawin ang inagurasyon sa national museum sapagkat mayroon mga nakatayong imprastraktura para sa COVID-19 sa Quirino Grandstand.
Samantala, ang inagurasyon ng president-elect ay isang seremonya na hudyat ng pagsisimula ng termino ng bagong pangulo at pagtatapos naman ng termino ng naka-upo.