Kinumpirma ng White House na muling nagkausap sa ikalawang pagkakataon sina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin noong Hulyo 7 matapos ang G-20 Summit.
Ayon sa isang senior official ng White House, umabot ng halos isang oras ang naging pag-uusap ng dalawang pinuno na nangyari sa isang dinner na pinangunahan ni Erman Chancellor Angela Merkel.
Gayunman, sinabi ng White House na isa lamang itong brief conversation o maikling pag-uusap ng dalawang Presidente at bahagi lamang ng kanilang mga tungkulin.
Wala ring naibigay na detalye ang White House dahil wala umanong kasamang staff si Trump habang isang interpreter lamang ang kasama ni Putin.
- Krista De Dios