Handang-handa na ang Malacañang sa pagtanggap sa presidente ng Chile na si Michelle Bachelet.
Ang Chilean President ay nakatakdang makipagkita kay Pangulong Noynoy Aquino para sa kanyang dalawang araw na state visit sa Pilipinas.
Gaya ng ibang head of state, si Bachelet ay bibigyan ng welcome ceremony sa Malacañang Palace Ground.
Tampok sa pagbisita ng Chilean President sa Malacañang ngayong tanghali ay ang expanded bilateral meeting nila ni Pangulong Noynoy, paglagda ng mga kasunduan, at ang joint press conference ng dalawang lider.
Habang nasa Malacañang si Bachelet ay mahigpit ang ipinaiiral na seguridad at walang papayagan na mga sasakyan pribado man o pampubliko na dumaan sa kahabaan ng J.P. Street at maging sa Arlegui Street na sakop ng Malacañang Complex.
By Jelbert Perdez | Aileen Taliping (Patrol 23)