Kahit Presidente pa ng bansa, puwedeng parusahan kapag lumabas sa mga health protocols.
Ito ang napatunayan sa bansang Chile matapos patawan ng multang $3,500 o nasa P168,000 ang kanilang Pangulo na si Sebastian Pinera.
Natuklasan kasi ng mga awtoridad na nag-selfie si Pinera sa isang beach kasama ang isa pang bystander habang walang suot na face mask.
Agad namang nagbayad ng multa si Pinera kasabay nang paghingi ng paumanhin sa publiko makaraang kumalat sa social media ang kanyang larawan.
Mahigit 500,000 na ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Chile habang higit 16,051 din ang mga nasawi doon.