Pumanaw na ang kilalang transport leader at presidente ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na si Zenaida “Zeny” Maranan sa edad na 75.
Ayon sa pamilya ni Maranan, mapayapa itong nasawi habang natutulog matapos namang ma-confine sa isang ospital bunsod ng matagal nang karamdaman.
Dagdag ng pamilya Maranan, magsasagawa ng public viewing para sa labi ng transport leader simula bukas, Hulyo 13, hanggang Martes sa Haven of Angels Memorial Chapels and Crematorium sa bahagi ng Sumulong highway, Antipolo.
Sa kasalukuyan, humiiling muna ng privacy ang pamilya Maranan sa kanilanng pagluluksa sa pagyao ng kanilang mahal sa buhay.