Nagpositibo sa COVID-19 si Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador.
Ito ang kinumpirma mismo ni Obrador na aniya’y dumanas lang naman umano siya ng mild symptoms, gayunman nagpapatuloy ang kaniyang gamutan.
Kampante naman ang Pangulo na agad siyang gagaling mula sa COVID-19.
Si Obrador ay kilalang hindi nagsusuot ng face mask.