Binuksan na ng Kongreso sa Peru ang impeachment proceedings laban sa kanilang pangulo na si Martin Vizcarra dahil sa umano’y “moral incapacity.”
Ito’y bunsod ng alegasyon na tinangka umano nitong makialam sa imbestigasyon hinggil sa mga kontratang pinasok ng gobyerno na nagkakahalaga ng 50,000 dolyar na paborable sa isang singer.
Samantala, binigyang diin ni Vizcarra na hindi siya magre-resign at haharapin niya ang mga akusasyon laban sa kanya.