Sinibak ng Office of the Ombudsman ang presidente ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at 6 na iba dahil sa maanomalyang pagbili ng Starex van.
Ayon sa Ombudsman, hindi dumaan sa public bidding ang pagbili ng mga opisyal sa Starex van na nagkakahalagang P1.1 billion pesos, noong 2006.
Binigyan ng parusang perpetual disqualification to hold public office at forfeiture of retirement benefits sina PLM President Jose Roy II at ang Vice President for Finance and Planning na si Angelita Solis.
Sinibak din sa puwesto sina Cecil Calma, Angeles Ramos, Eloisa Macalinaw, Feliz Aspiras at Albert dela Cruz.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)