Nakatakdang magtungo sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea ang presidente ng Taiwan na si Ma Ying-Jeou.
Partikular na bibisitahin ni Ma ang Itu Aba, ang ika-apat na largest island sa Spratlys.
Nais ng Taiwanese President na magpaabot ng Chinese New Year wishes para sa mga residente roon na kinabibilangan ng Coast Guard personnel at environmental scholars.
Ang Itu Aba Island ay kilala rin sa tawag na “Taiping” sa Taiwan.
By Meann Tanbio