Sa kauna-unahang pagkakataon, bumisita si Taiwanese President Ma Ying-Jeou sa Itu Aba o Taiping Island na bahagi ng pinag-aagawang territoryo sa West Philippine Sea.
Kasama ni Ma na nagpunta sa isla ang 20 opisyal ng gobyerno ng Taiwan, mga scholars at mga experts.
Sinasabing bahagi na rin ito ng kanyang farewell visit lalo’t matatapos na sa Mayo ang kanyang termino.
Samantala, inaasahang magpapatawag ng news conference si Ma patungkol sa one-day visit nito sa Itu Aba pagbalik nito sa Taiwan.
DFA
Tutol naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa ginawang pagbisita ni Taiwan President Ma Ying-Jeou sa Itu Aba na bahagi ng West Philippine Sea.
Naniniwala si DFA Spokesman Assistant Secretary Charles Jose na posibleng magpataas ng tensyon sa territorial dispute ang aksyong ito ng Taiwan.
Dahil dito, pinaalalahanan ni Jose ang lahat ng mga concerned countries na maging responsable sa anumang hakbang sa karagatan.
Hindi madalas nagkokomento ang DFA sa mga isyung may kaugnayan sa Taiwan dahil walang formal diplomatic ties ang Manila at Taipei.
By Meann Tanbio | Allan Francisco