Sumalang sa sariling commute challenge ang bagong Pangulo ng Toyota Motor Philippines na si Atsuhiro Okamoto.
Sa kanyang facebook post, sinabi ni Okamoto na sa kanyang unang linggo sa Pilipinas naisipan niyang gumawa ng genchi genbutsu o “go and see” at maranasan ang araw-araw na hirap ng mga Filipino commuters.
Ayon kay Okamoto, una niyang sinubukan ang sumakay ng pampasaherong bus saka nag-roundtrip sa MRT.
Pagbaba naman ng MRT sumakay siya sa isang pampasaherong jeep, pumila nang matagal sa UV express atsaka pumara ng tricycle patungong Tondo Manila.
Sinabi ni Okamoto, dahil sa naranasan, kanyang napagtanto na hindi tulad ng Japan at Singapore, hindi kaya ng kasalukuyang mass transport system ng Pilipinas ang dami mga araw-araw na bumibiyaheng commuters.
Dahil aniya rito, nais niyang maging bahagi ang Toyota sa hamon para mapataas pa ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino.