Hinimok ng political analyst na si Professor Ramon Casiple ang mga kandidato sa pagka-pangulo na samantalahin ang huling Pilipinas Debates 2016 na gaganapin sa Linggo ng Abril 24.
Sa panayam ng DWIZ , sinabi ni Casiple na inaabangan ng taumbayan ang debate upang matulungan sila sa kanilang mga pipiliing lider ng bansa.
Tiniyak din ni Casiple na ito rin ang pagkakataong hinihintay ng mga undecided pang botante sa kung sino ang karapatdapat na maging susunod na pangulo ng bansa.
Bahagi ng pahayag ni Professor Ramon Casiple
Samantala, isang dramatic event naman ayon kay Casiple ang tanging pag-asa ng mga kandidatong nangungulelat ngayon sa presidential survey.
Bahagi ng pahayag ni Professor Ramon Casiple
By Ralph Obina | Ratsada Balita