Hinimok ni Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo Founder Joey Concepcion ang IATF na isailalim ang Metro Manila sa alert level 2 sa Nobyembre 15.
Ito ay kasunod ng pahayag niya na posibleng bumagsak ang ekonomiya ng bansa kung hindi ibaba ang alert level ng NCR gayong bumaba na ang kaso ng mga pasyenteng may COVID-19 at nabakunahan na ang 85% ng populasyon sa Metro Manila.
Sinabi aniya ng National Economic and Development Authority na maaring makakuha ng higit 3.6 bilyong piso kada linggo ang NCR kung ibababa sa alert level 2.—sa panulat ni Airiam Sancho