Muling nanawagan si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na i-redefine ang fully vaccinated status na ang ibig sabihin ay nakatanggap ng booster shot laban sa COVID-19.
Ito’y makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng omicron subvariant BA.2.12 sa bansa.
Ang suhestiyon ni Concepcion ay babala na rin mula sa mga eksperto sa gitna ng mababang booster rate at banta ng paglutang ng bagong variants ng virus na dahilan ng COVID-19.
Nagpahayag ang mga eksperto kabilang ang world health organization, ay nagpahayag na maaaring maranasan ng pilipinas ang pagtaas sa kaso ng COVID sa buwan ng Mayo.
Ipinaliwanag pa ni Concepcion na naiisip na ngayon ng ibang bansa ang primary doses ay hindi sapat para labanan ang mga umuusbong na variants.