Sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Pangulo at CEO ng DAP o Development Academy of the Philippines na si Elba Siscar Cruz.
Batay sa inilabas na kalatas ng Malakaniyang kahapon, agad pinababakante ng Pangulo kay Cruz ang tanggapan nito sa lalong madaling panahon.
Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea nuong Disyembre 18 ang isang dokumento na nagsisibak kay Cruz sa puwesto.
Magugunitang mismong si Pangulong duterte Ang nagtalaga kay Siscar sa DAP nuong Marso at nagtapos na ang termino nito nuong Hunyo 30 subalit, binigyan siya ng hold-over capacity kaya’t napalawig ang kaniyang termino.
Kasunod nito, nagpasalamat naman kay Pangulong Duterte ang mga kawani ng DAP dahil sa pagkakasibak ng kanilang pinuno.
Maka-ilang beses na anilang inirereklamo si Cruz dahil sa mga kuwesyunableng aktibidad nito gayundin ang ginawa nitong pagbabanta sa kanila na sisibakin lalo’t kung tututol sila sa pamamalakad nito.