Muling tiniyak ni presidential aspirant at dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa kanyang milyun-milyong supporter na kwalipikado siyang tumakbo sa 2022 elections.
Sa gitna pa rin ito ng nakabinbing petisyong humihiling na i-disqualify siya sa nasabing halalan dahil sa pagiging convicted sa kasong tax evasion.
Nanindigan ang dating senador na hindi mapipigilan ng mga propaganda ang “solido” niyang laban upang pagsilbihan ang mga mamamayan sa ilalim ng isang nagkakaisang liderato.
Iginiit ni Marcos na personal na niyang nakita ang mga dokumento at batay sa kanilang legal team ay malinaw na “basura” ang inihaing disqualification case at panggulo lamang o walang basehan.
Una nang inihayag ng mga legal expert gaya nina dating Justice Secretary at Ateneo Law Expert Alberto Agra at U.S.T Faculty of Law Dean Nilo Divina na mahina at walang basehan ang petisyon.