Wala umanong makukuhang suporta sa 2022 elections mula kay Pangulong Rodrigo Duterte si presidential aspirant at dating Senador Bongbong Marcos.
Ito ang banta ni Pangulong Duterte sa gitna ng kanyang pagka-dismaya sa paghahain ng certificate of candidacy sa pagka-bise presidente ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio.
Ayon sa pangulo, kapwa pro – communist si Marcos at karibal nitong si Vice President Leni Robredo, na kumakandidato rin sa pagka-presidente.
Aminado ang punong ehekutibo na hindi nito nagustuhan ang ‘turn of events’ sa tanggapan ng Comelec kung saan naghain ang ilang kandidato ng c.o.c. Sa mga hindi inaaasahang posisyon.
Kabilang sa mga nag-file noong sabado ang kanyang anak na si Mayor Inday habang sa pagka-pangulo naman ang tatakbuhan ni Senador Bong Go. —sa panulat ni Drew Nacino