Lahat ng media entities ay maaaring mag-cover sa gaganaping presidential at vice presidential debate kaugnay ng nalalapit na 2016 elections.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Herman Basbaño, Chairman ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP, magkakaroon ng debate sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Pangunahing tatalakayin ang magiging plataporma ng mga kandidato at inaasahang ipapaliwanag nila kung bakit karapat-dapat silang mahalal sa puwesto.
Gayunman, ipinaliwanag ni Basbaño na wala pang naisasapinal na venue na pagdarausan ng mga naturang debate.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay KBP Chair Herman Basbaño
By Jelbert Perdez | Kasangga Mo Ang Langit