Binanatan ng isa sa mga presidential candidate ng South Korea si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kawalan umano nito ng aksyon hinggil sa pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick-Joo.
Ayon kay Democratic Party of Korea Presidential Candidate Jae-In Moon, matatawag na “diplomatic disrespect” ang kabiguan na aksyunan ang kaso.
Nakapagtataka anyang bagaman pinatay sa loob mismo ng headquarters ng Philippine National Police si Jee ay hindi pinapanagot sa batas ni Duterte si PNP Chief, Dir. Gen. Ronald dela Rosa sa gitna ng patuloy na panawagan na magbitiw ito sa puwesto.
Umaasa anya ang South Korea na papanagutin at paparusahan ang mga nasa likod ng pagpatay sa kanilang kababayan upang hindi na maulit ang insidente.
By Drew Nacino