Binalaan ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo si Ombudsman Conchita Carpio Morales na mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.
Ito ayon kay Panelo ay kapag sinuway ni Morales ang pag suspindi ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.
Binigyang diin ni Panelo na mayruong Presumption of Regularity ang anumang hakbang ng Pangulo hanggat hindi ito kino kontra ng isang competent court.
Sinabi ni Panelo na uubra namang kuwestyunin ni Morales ang nasabing desisyon ng Pangulo sa tamang korte.