Pansamantalang gagamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presidential chopper sa pagdalo nito sa mga aktibidad sa labas ng Malakaniyang
Inihayag mismo ng Pangulo na na-a-awa siya sa mga taong naiipit sa matinding trapik sa tuwing daraan ang kaniyang convoy sa mga lansangan
Kailangan kasi aniyang sarhan ang mga panulukan o intersections na siyang nagdudulot ng abala sa mga motorista na tumatagal ng 2 oras
Hanggang sa ngayon, hinihintay pa rin ng Pangulo kung bibigyan siya ng emergency powers ng Kongreso upang malutas ng tuluyan ang problema sa trapiko hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa buong bansa
By: Jaymark Dagala / (Reporter No. 23) Aileen Taliping