Nakatikim ng sermon ang PCGG o Presidential Commission on Good Governance kay Senadora Loren Legarda matapos magdahilan na kapos umano sila sa pondo at batas kaya nahihirapan silang habulin ang nakaw na yaman ng mga Marcos.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights, naghimutok sa kanilang budget na 120 Milyong Piso sina Commissioner Rey Bulay at Commissioner John Agbayani.
Paliwanag nina Bulay at Agbayani kulang pa ng 11 Milyong Piso ang kanilang pondo para sa pagbili ng mga sasakyan at iba pang gamit ng PCGG.
Galit na sinabi ni Legarda, Chairman ng Senate Committee on Finance na walang sinoman ang lumapit mula sa ahensya para humirit ng pondo noong tinatalakay pa lamang ang pambansang budget para ngayong taon.
Hindi rin aniya naniniwala ang Senadora na hindi kayang habulin ng PCGG ang ill-gotten wealth ng mga Marcos dahil lang sa sinasabi nitong kapos sa budget.
Posted by: Robert Eugenio