Pinaplantsa na ng Commission on Elections (COMELEC) ang gagawing presidential debate para sa mga kakandidato sa pagka-Pangulo sa 2016 elections.
Sa pagharap ni COMELEC Chairman Andres Bautista sa budget hearing sa Senado kahapon, sinabi nitong nakikipag-ugnayan na ang COMELEC sa Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas at sa iba’t ibang civic at academic organizations para sa naturang debate.
Plano ng COMELEC na isagawa ang tatlong magkakahiwalay na debate sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Una nang iminungkahi ni Senator Loren Legarda na sa halip na magsiraan sa social media at iba pang uri ng komunikasyon ay dapat na humarap na lamang ang mga ito sa isang debate.
By Rianne Briones