Ipalalabas din sa ilang mall sa Cagayan de Oro City ang “Pilipinas debates 2016” na inorganisa ng Commission on Elections, ngayong araw.
Ie-ere ang debate sa Limketkai Mall; SM lumbia at Ayala Centrio Mall sa maging sa malaking led secreen sa Plaza Divisoria.
Ayon sa COMELEC, inaasahan nilang marami ang makapanonood ng mga debate bukod sa mga nasa Capitol Univeristy at C.D.O. lalo’t
ipalalabas din ito sa GMA 7 na ie-ere naman ng live sa Middle East, North Africa, Europe, U.S. at Canada.
Magkakaroon din ng online audience sa pamamagitan ng live-streaming ng GMA katuwang ang inquirer.net.
By: Drew Nacino