Tuloy pa rin ang presidential election sa Portugal sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.
Kasalukuyang nasa ilalim ng national lockdown ang nasabing bansa kaya’t marami umanong Portuguese ang nagdadalawang-isip na bumoto.
Halos tatlong daang mamamayan ang namamatay sa Portugal bawat araw dahil sa virus habang mahigit labinlimang libong kaso na ang naitatala sa naturang bansa.
Sa mga nakaraang survey, nanguna ang incumbent president na si Marcelo Rebelo de Sousa habang mababa naman umano ang tsansang manalo ng kanyang katunggali na si Ana Gomes.