Umarangkada na ang South Korean presidential elections.
Nasa dalawampung (20) milyong Koreano ang pumila sa mahigit isandaan tatlumpung libong (130,000) polling booth sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Magugunitang pinatalsik sa pamamagitan ng impeachment si Park Geun-Hye dahil sa corruption scandal.
Pinagpipilian ng mga botante sina Moon Jae-In ng Democratic Party; Hong Jun-Pyo ng Liberal Korea; An Chol-Soo ng People’s Party; Yoo Seung-Min at Sim Sang Jung ng Justice Party.
Samantala, nangangamba naman ang mga conservative party sa posibleng pagka-panalo ni Moon dahil sa pagkiling nito sa North Korea.
Ito’y dahil maaaring maapektuhan ang relasyon ng SoKor sa Estados Unidos sakaling manalo at isulong ng pambato ng democratic party ang reunification ng North at South Korea.
By Drew Nacino
Presidential election sa South Korea umarangkada na was last modified: May 9th, 2017 by DWIZ 882