Pagkakataon na umano para ma-monitor ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sitwasyon sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA, ang pagsakay nito sa Commercial Plane.
Ayon kay Senador Ralph Recto, kung regular na sasakay ang Pangulo sa Commercial Flight patungong Davao, personal nitong mache-check ang mga improvement na ginagawa sa naia, matatawag aniya itong Presidential Inspection Tours.
Binigyang-diin ni Recto na mas maganda na first-hand na makita ng Pangulo kung ano pa ang mga dapat gawin sa naia para malutas ang problema sa congestion, mahabang pila; at para makita rin nito kung gumagana ang x-ray machines at carousels; at kung malinis ang mga toilet.
Iginiit ng Senador na sa ganitong paraan mula sa pagiging world’s worst airport ay maging world’s best airport na ang NAIA.
By: Meann Tanbio