Uubra nang makita ng mga Pilipino at maging ng mga dayuhan ang makulay na kasaysayan ng Pilipinas kahit hindi personal na masilip ang Malakaniyang Museum.
Kasunod ito nang pormal na paglulunsad ng PCOO, Google at Presidential Museum and library sa Presidential Museum and Library Online.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar bilang pagtupad sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na ang Malakaniyang ay Palasyo ng Sambayanan binubuksan na online sa mga Pilipino maging yung mga nasa ibang bansa ang kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng online museum and library.
Ginawa aniya nilang accesible na sa buong mundo ang historic undertaking ng Pilipinas sa pamamagitan ng innovative technology bilang bahagi na rin ng dissemination ng kasaysayan sa lahat ng sulok ng mundo.
Nilinaw ni Andanar na hindi lamang kuwento o kasaysayan ng mga naging Pangulo ng bansa ang makikita sa online museum and library kundi maging ang kuwento ng mga Pilipino bilang iisang nasyon na umasa, nakipaglaban at ibinigay ang buhay para sa mas magandang buhay ng mga bagong henerasyon.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Presidential Museum and Library online pormal nang inilunsad was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882