Ikinakasa na ng Malacañang ang executive order para sa presidential pardon na igagawad ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga matatandang bilanggo.
Ayon sa Pangulo, nais niyang palayain na ang mga may edad 80 anyos pataas na mayroon pang mauuwiang bahay sakaling makalabas ng bilangguan.
Kasama rin anya sa pinag-aaralan nilang bigyan ng pardon ang mga bilanggo na 40 taong nang nakakulong, at mga may sakit nang matatanda.
Una rito, binigyan ng Pangulo ng absolute pardon ang aktor na si Robin Padilla sa sentensyado sa kasong illegal na pagdadala ng baril noong 1994.
Dahil sa absolute pardon ng Pangulo, naibalik na ang lahat ng civil at political rights ni Padilla kayat puwede na uli itong kumuha ng US visa para madalaw ang nanganak na asawa sa Amerika.
By Len Aguirre