Kinumpirma ng Malakanyang na dadalo si presidential sister Irene Marcos-Araneta, bilang kinatawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa burol ni Queen Elizabeth II, sa Britanya.
Ayon kay press secretary Trixie Cruz-Angeles, nakatakdang dumalo si Araneta kasama ang asawa nitong si Gregorio “Greggy” Araneta III ngayong araw.
Kasalukuyang nasa Westminster hall sa London ang labi ni Queen Elizabeth II habang ipu-prusisyon ang kabaong nito patungong Westminster Abbey, mamaya.
Inaasahang darating din ang ilang heads of state mula sa iba’t ibang panig ng mundo para sa nasabing aktibidad.
Kabilang sa mga nauna nang dumating si US President Joe Biden.