Idinawit si Presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa lagayan sa Bureau of Customs o BOC.
Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs, ipinabatid ni Customs Broker Mark Taguba na sinasabi ng isang tita Nani, isang Jake at grupo nito na kumokolekta sa kanya ng P10,000 na mayroon pang Davao Group ang nasa likod nito.
Binabanggit aniya ng mga ito ang pangalan ng Bise Alkalde ng Davao.
Gayunman, sinabi ni Taguba na tsismis lamang ito sa kanya na umiikot din sa Customs.
By Meann Tanbio