Sa inyo na ang honorary doctorate degree.
Ito ang mensahe ni Presidential Son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa mga kritiko ng Pangulong Rodrigo Duterte sa planong pagbibigay dito ng honorary doctorate degree on law ng University of the Philippines o UP.
Ayon kay Vice Mayor Duterte, hindi kailangan ng kaniyang ama ang anumang parangal at kuntento na ito sa kung anuman ang meron siya.
Sinabi pa ng Presidential Son na ang mahalal na Pangulo ng bansa ay sapat nang pagkilala dahil milyun-milyong Pilipino ang bumoto rito na hindi aniya kayang pantayan ng kahit anong honorary degree.
Gayunman, nagpapasalamat parin ang batang Duterte sa UP Board of Regents sa pagkunsider na bigyan ng honorary degree ang Pangulo subalit okay na aniya ito bilang Pangulo ng republika ng Pilipinas.
By Judith Larino |With Report from Aileen Taliping