Umalma si Special Envoy of the President to China for Trade and Investment and Tourism Benito Techico sa pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio hinggil sa larawang inilabas nito kung saan kabilang siya at si Pangulong Bongbong Marcos sa kasama ni Cassandra Li Ong.
Bagama’t umamin si special envoy Techico na totoo ang larawan, sinabi nitong mali ang istoryang inilabas ni Atty. Topacio hinggil dito.
Nilinaw ng opisyal na kuha ang litrato sa isang restaurant sa Pasay City nuon pang 2020 kung saan hindi pa Pangulo ng bansa si PBBM.
Nakahiligan na lamang aniya nilang magkakaibigan na kumain sa labas at subukan ang mga pagkain mula sa iba’t ibang kultura
Sinabi ng special envoy na ang tunay na kuwento sa larawan ay kumakain silang magkakaibigan kasama ang Pangulo at si unang ginang Liza Araneta Marcos nang bigla aniya silang pakiusapan ng may-ari ng restaurant para makapagpakuha ng litrato ang grupo ni Cassandra Li Ong kasama ang iba pang Chinese nationals.
Bilang public figure ay nagpaunlak naman sila anya para magpalitrato ang grupo ng pangulo subalit hindi nila talaga kilala si Ong.
Binigyang-diin pa ng special envoy na nagsalita na rin siya para i-depensa ang Pangulo na aniya’y puspusan sa pagtatrabaho .
Pakiusap ng opisyal, magsabi ng katotohanan para maka-usad aniya ang bansa.