Nagpasalamat naman si Presidential Spokesman Harry Roque kay House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagkakabilang sa kanya sa Senatorial line up ng PDP-Laban para sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Roque, ang anunsyo ni Alvarez ay patunay lamang na may kumpiyansa sa kanya ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman, prayoridad niya ang kanyang trabaho bilang tagapagsalita ng Pangulo.
Ipinaliwanag din ni Roque na wala naman siyang pondo upang tumakbo sa pagka-Senador.