Nabigo si Presidential Spokesman Harry Roque na makakuha ng pwesto sa International Law Commission (ILC).
Mula sa 190 member-states ng United Nations, 87 lamang ang bumoto pabor sa nominasyon ni Roque.
Bagaman aminado ang palace official na naging hamon ang kanyang kampanya para sa nominasyon sa ILC, pinasalamatan niya si Pangulong Rodrigo Duterte sa nomination at walang sawang pagsuporta sa kaniyang kandidatura.
Umaasa naman si Roque sa tagumpay ng mga bagong miyembro ng ILC lalo sa pagtalakay sa mga issue gaya ng pagtaas ng antas ng tubig-dagat at vaccine equality na kanya ring patuloy na magiging adbokasiya para sa Pilipinas.
Magugunitang nasa 150 abogado mula sa iba’t ibang organisasyon at institusyon ang tumutol sa nominasyon ni Roque sa ILC. —sa ulat ni Jenny Valencia Burgos (Patrol 29), sa panulat ni Drew Nacino