Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Presidential Adviser on Human Rights si Presidential Spokesman Harry Roque.
Batay umano sa pagkakatalaga sa kaniyang ng Pangulo ay magiging concurrent position ang pagiging Presidential on Human Rights sa trabaho nito bilang Presidential Spokesperson.
Bunsod nito, tiniyak ni Roque na gagawa siya ng hakbang na magpapakita na ang Pilipinas ay katuwang sa pagprotekta at pagpapalaganap ng karapatang pantao lalo na ang karapatang mabuhay.
Hinihintay na lamang ngayon ang appointment paper ni Roque para sa karagdagang posisyon.
—-