Tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magdodoble kayod pa sila sa pagtatrabaho para iparamdam sa publiko ang kanilang mga nagawa.
Ito’y matapos bumaba ng sampung puntos ang net satisfaction rating ng gabinete ng Pangulong Duterte sa pinakahuling SWS survey.
Ayon kay Roque, magiging masigasig pa sila para ipakilala sa publiko ang mga programa ng administrasyon.
Patuloy anya nilang pagsisilbihan ang interes ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng komportableng buhay sa mga mahihirap.
Batay sa SWS survey, mula sa plus 38 points noong December 2017, bumaba sa plus 28 points ang net satisfaction rating ng mga miyembro ng gabinete.