Siniguro ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na nananatili ang trust and confidence ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Tourism Secretary Wanda Teo.
Pahayag ni Roque, nagbigay na ng eksplenasyon kay Pangulong Duterte si Sec. Teo at itinanggi nito ang mga paratang na nagdala sya ng make-up artist sa kanyang foreign trips.
Ayon sa tagapag-salita ng palasyo, pinagkakatiwalaan ng punong ehekutibo ang lahat ng kanyang gabinete at naniniwala ito na mayroong hawak na mga dokumento si Sec. Teo na magpapatunay na walang katotohanan ang mga paratang sa kanya.
Una nang sinabi ni Teo na posibleng napagkamalan lamang na make up artist ang kanyang executive assistant na si Angelito Ucol na kasama niya sa kanyang pag-byahe sa labas ng bansa.