Hinamon ni Presidential Spokesman Harry Roque ang mga human rights advocates na maglabas ng ebidensya at magsampa ng reklamo laban sa mga pulis o sundalong sinasabing umabuso.
Ayon kay Roque na isa ring kilala human rights lawyer, hindi maaaring puro ingay ang gawin ng mga human rights group bagkus ay dapat na kumilos ang mga ito para humanap ng ebidensya.
Aniya, kung magkakapagpakita lamang ng ebidensya laban sa mga pulis at sundalo ay hindi ito palalampasin ng pangulo dahil hindi nito pinahihintulutan ang mga pagpatay.
Ngunit paalala ni Roque, ang presumption of regularity sa performance of duty ng mga pulis at sundalo tulad ng umiiral sa buong mundo.
—-