Inalis ng rappler ang presidential survey nito sa Facebook makaraang upakan ng mga netizen dahil umano sa pandaraya kay Partido Federal ng Pilipinas Presidential candidate at dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Humingi naman ng paumanhin ang Rappler at nagpaliwanag na tinanggal ang survey dahil hindi umano ito naaayon sa kanilang layunin
Gayunman, dinumog ng batikos mula sa vloggers ang nabanggit na media entity dahil sa pagtatangka umano nitong linlangin ang publiko.
Ayon sa vlogger na si Maui Becker, na kilala rin bilang Princess Maui, hindi matanggap ng rappler na natambakan ni marcos ng 100,000 o 150,000 sa survey si Vice President Leni Robredo.
Iginiit naman ni vlogger Chika-Doro na isang tangkang pananabotahe ang survey dahil tila naka-auto heart ang post kaya ang “shocked emoji” na pinindot niya ay napalitan ng heart.
Nitong Oktubre 7 ay nagpost sa Facebook ang Rappler ng isang survey para makita kung sino ang gusto ng netizens na ihalal bilang Pangulo sa May 2022 elections. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico